SELF DENIAL
PART ONE
SECTIONS 1-3
“THE CHRISTIAN PHILOSOPHY OF UNWORLDLINESS AND SELF DENIAL: WE ARE NOT OUR OWN; WE ARE GODs”
Matapos ko pong mabasa ang nilalaman ng unang tatlong bahagi ng “Self Denial” Higit na natuon po yung pansin ko dun sa pahayag na (Sec 1) “We are NOT Our own Master, But belong to God”. Naunawaan ko na “ako ay hindi po akin”. Kasi sabi nga po sa Awit 24:1 “Ang buong daigdig ANG LAHAT NG NAROON ang may-ari’y si Yahweh, ating Panginoon” ayon lang po sa aking pagkakaunawa na ang aking buhay at lahat ng mayroon ako ay hindi sa akin... isang bagay ang ipinakita sa akin ng LORD na anumang bagay ang gawin ko dapat ang nakikita dito ay si Kristo (Efeso 4:23). (Sec 2-“Denial through Devotion to God”) Maging sa aking pag-iisip at pagkilos, ipinaunawang higit ni GOD sa akin na ang aking mga ginagawa ay hindi upang mapasaya ang aking sarili, kundi higit sa lahat dapat nitong napararangalan ang Diyos (1Cor 10:31). (Sec 3) Habang pinag-aaralan ko ang lahat ng ito lalong ipinapaunawa ng Lord sa akin na- dapat kong maunawaan na mula ng maging bahagi ako ng kawan ng Diyos ang pag-iisip na ang mayroon ako ay ang dapat na pag-iisip na Mayroon ang Panginoon (1 Cor 2:16) sa lahat ng aspeto ng buhay ko dahil kung hindi lagi lang po akong matatakot na gumawa ng maganda at malalaking bagay para sa kanya. Dahil kung ang puso ko pong ito ay puso pa din ni “Agnes”-masyado pa din itong matatakutin pero kung ito pong puso na nasa katawan ko ay puso ng Diyos lagi po itong maghahangad ng buhay at gawa na katanggap-tanggap lamang sa paningin ng Diyos (Gal.2:20). Sa tuwing matatakot akong gumawa para sa Panginoon alam kong lagi niyang ipaalala sa akin na mas mainam na kunin ako sa mundong ito na nasa gawain ng Panginoon kaysa naman po natutulog ako at komportable sa aking kinalalagyan. Patuloy na ipinauunawa ng Lord sa akin na ako ay KATIWALA lamang ng aking buhay at ang katiwala y dapat na maging tapat sa kanyang Panginoon (1 Cor 4:2). Habang patuloy pa po ang aking pag-aaral ang daming mga salita po ng Panginoon ang aking nakikita at patuloy niyang ipinapaunawa.
SECTIONS 4-7
“THE PRINCIPLE OF SELF DENIAL IN OUR RELATIONSHIP WITH OUR FELLOW MEN”
“Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ng magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon”
-(Col 3:23)
“Huwag sariling kapakanan ang hanapin ninyo kundi sa iba”
-(1Cor 10:24)
Nang mabasa ko pa lamang po ang pamagat ng bahagi na ito ang dalawang bible verse na ito kaagad ang una pong pumasok sa aking isipan. Sa tuwing nakakaramdam ako na ako ay tumutulong sa iba natutuwa po talga ako at nakakramdam ng aking pagmamalaki sa aking sarili lamang. (Sec 4) Habang binabasa ko po ang bahaging ito may mga bagay na pinaisip sa akin ang Panginoon- Sa maraming pagkakataon pala na tumulong ako sa ibang tao lagi kong naitataas ang aking sarili-at hindi pala iyon ang gusto ng Panginoon. Naunawaan ko na, na sa tuwing tumutulong o nakakagawa ako ng maganda at kaaya-ayang bagay sa iba unang dapat na parangalan ang Diyos bago ang aking sarili. Ipinakita sa akin ng Panginoon na ng tumulong ako hindi ko inangkin ang bagay na iyon na sa akin kundi sa Panginoon. Hindi ibig sabihin na superior na po pla ako dahil ako ay tumulong at yung iba ay hindi. (Naalala ko po kasi na nung minsan na sumakay ako sa bus papuntang Maynila ay nagkataon na siksikan ang dami ng tao at mayroong b huntis na sumakay din sa bus na iyon at tayuan na halos lahat ng aking kahanay ay mga lalaki at ako lang ang babae nakiramdam ako kaso-walang sinuman sa kanila ang nag-offer man lang ng kanilang upuan kahit hirap na hirap na yung buntis kaya ang ginawa ko ako na lang yung tumayo at pinaupo ko yung buntis-sobrang proud pa po ako sa sarili ko at kinutya sa isip ko yung mga taong nandun). (Sec 5-6) Ngayon ko po higit naunawaan na kahit simple at maliit ang bagay na iyon sa paningin ng iba. Wala akong dapat na ipagmalaki sa aking sarili sapagkat ang pagtulong at ang mabuting gawa ay bahagi ng pagparangal ko sa pangalan po ng Diyos at nagagalak ang panginoon kapag natutulungan ko po ang ibang tao (Gal 6:9). Madalas po kasi kapag nakakatulong o nakakagawa po ako ng mabuting bagay sa ibang tao inaasahan ko na na mag-papasalamat sila at kung may kasamang pamumuri mas lalo pa po akong natutuwa yun po pala-hindi iyon ang ibig ng Diyos. Dapat kong maunawaan na mahalga at mabuting bagay kapag palagi kang nakakatulong kasi iyon ang nais ng Panginoon (Heb 13:16) dahil “ninanakaw” ko po pala ang karangalan na dapat ay sa Panginoon. Malaki man po iyon o maliit na bagay iyon ay para sa panginoon at mali na mas kin ikilala ko ang aking sarili kaysa sa Kanya and “being a blessing to others is GODs GIFT to us”. (Sec 7) Ipinapaala din ng Panginoon na maging ang aking kapwa po ay isa sa mga ipinagkatiwala niya sa akin kung kaya’t marapat lang na maging mabuti akong katiwala sa mga taong iyo na sa tuwing naglilikod ako sa iba ito ay ginawa ko ng higit ang aking makakaya dahil ito ay “hindi sa tao kundi sa Panginoon ko ginagawa”. Ipinauunawa din pos a aking Panginoon na kapag nakakatulong ako hindi ko lang napi-please ang tinutulungan ko higit napapasaya at napaparangalan ko ang Diyos at sa tuwing gumagawa ako ng mabuti ang Panginoon ang makikita ng mga tao na gumagawa sa kanilang mga buhay at Hidi ako. “Denying myself in terms of charity and service to others means exalting God and promoting Him to all the People I have known".
SECTIONS 8-10
“THE PRINCIPLE OF SELF-DENIAL ON OUR RELATIONSHIP TO GOD”
“Trust in God’s Blessing Only” ang pahayag na ito ay isa sa may pinaka malaking impact sa buhay ko. Gaya po ng nakasulat sa first part ng bahagi na ito nakalagay doon ang maraming bagy na labis na hinahangad ng mga tao. Nakakahiya man pong aminin na maging ako ay nagging bahagi ng paghahangad ng mga bagay na iyon dati, per ng mabasa ko yung Mateo 6:33- na lagging na-reremind pos a isip ko ang verse na ito at lagging sinasabi sa akin “UNAHIN mo ang DIYOS”. Ako po ay may malaking suliranin po talaga sa pagiging mahusay na katiwala pagdating sa paghawak sa ipinagkatiwalang pera sa akin ng Panginoon. Isang pahayag ang tumimo sa isip ko sa isang aklat na ipinabasa sa akin ng Panginoon-“How we handle money affects our RELATIONSHIP and FELLOWSHIP TO GOD”. Naranasan ko kung gaano kahirap “GAMITIN sa TAMA ang AKING PERA”. Madalas kasi ang aking kaisipan ay nasa bagay na gusto KO at hindi po yung GUSTO ni LORD para sa akin. Naipaunawa sa akin ng Panginoon ang maraming bagay- na ang aking sahod ay hindi lang pala 10% ang sa panginoon kundi ang lahat ng ito ay sa kanya (100%) at ito ay pansamantala lang niyang ipinapagamit sa akin. Sa pagkakaunawa ko po sa bagay na ito ipinakita sa akin ng Panginoon na kung ang lahat ng materyal na bagay na mayroon ako ay isusuko ko sa Panginoon mas nagiging higit itong kapaki-pakinabang. Isa pang bagay na ipinapaunawa sa akin ng Panginoon ay ang madalas na “pagkakaroon ko ng utang” isang magandang bagay ang ipinakita sa akin ng Panginoon sa babasahing ito. Na paano ko maipapahayag na ang GOD IS A GRACIOUS & WEALTHY GOD kung ako mismo ay nangungutang. Hindi ko lalo maipapaunawa na si God ay mayaman kung nakikita nila na ako na anak ng Diyos ay nangungutang/ nanghihiram ng pera. Maliwanag na ipinakita sa akin ng Panginoon na ang tunay na Wealth ay hindi yung ikaw ang naghirap na matamo kundi nauunawan natin na ito ay PAGPAPALA ng DIYOS kaya dumating man ito o mawala sa anumang paraan tiyak na papalitan ito ng Panginoon ng higit pa sa ating Inaasahan gaya ni Job (Job 1:21). Ipinaunawa sa akin ng Panginoon na kung uunahin kong papaunlarin at papayamanin ang aking fellowship at relationship sa Kanya kesa ang maga bagay na nawawala dito sa lupa dahil ang tunay na pagpapala ay sa Panginoon lang matatagpuan-gaya ng sinabi ni apostol Pablo sa 2 Cor 4:18 “Kayat ang paningin naming ay nakapako sa mga bagay na di nakikita, HINDI sa nakikita. Sapagkat PANANDALIAN lamang ang mga bagay na nakikita ngunit WALANG HANGGAN ANG MGA BAGAY NA DI NAKIKITA”.
Thank you for being the first one to publish the Self Denial topic ptr 1 :)
TumugonBurahinGood job!